Friday, September 16, 2022

Ang Mabuting Balita para Biyernes Setyembre 16, San Cornelio, papa at San Cipriano, Obispo, mga martir (Paggunita): Lucas 8:1-3


Mabuting Balita: Lucas 8:1-3
Noong panahong iyon, nilibot ni Jesus ang mga bayan at nayon. Nangaral siya at nagtuturo ng Mabuting Balita tungkol sa paghahari ng Diyos. Kasama niya ang Labindalawa, at ilang babaing pinagaling niya sa masasamang espiritu at mga karamdaman: si Maria na tinatawag na Maria Magdalena mula sa kanya'y pitong demonyo ang pinalayas; si Juanang asawa ni Cusa na katiwala ni Herodes; si Susana at marami pang iba. Ang ari-arian nila ang itinustos nila sa pangangailangan ni Jesus at ng kanyang mga alagad.

No comments: