Kaya’t sinabi niya ang talinghagang
ito: “Kapag inanyayahan ka ninuman sa isang kasalan, huwag mong pipiliin ang
tanging upuan. Baka may inanyayahang lalong tanyag kaysa iyo. At lalapit ang
nag-anyaya sa inyong dalawa at sasabihin sa iyo, ‘Maaari bang ibigay ninyo ang
upuang iyan sa taong ito?’
Sa gayo’y mapapahiya ka at doon
malalagay sa pinakaabang upuan. Ang mabuti, kapag naanyayahan ka, doon ka maupo
sa pinakaabang upuan, sapagkat paglapit ng nag-anyaya sa iyo ay kanyang
sasabihin, ‘Kaibigan, dini ka sa kabisera.’
Sa gayun, nabigyan ka ng malaking
karangalan sa harapan ng mga panauhin. Sapagkat ang nagpapakataas ay ibababa,
at ang nagpapakababa ay itataas.”
Sinabi naman ni Hesus sa nag-anyaya
sa kanya: “Kapag naghahanda ka, huwag ang mga kaibigan mo, mga kapatid, mga
kamag-anak o mayayamang kapitbahay ang aanyayahan mo, sapagkat aanyayahan ka
rin nila, at sa gayo’y nagantihan ka.
Kaya kung ikaw ay maghahanda ng isang malaking salu-salo, ang mga pulubi, mga pingkaw, mga pilay, at mga bulag ang anyayahan mo. Hindi sila makagaganti sa iyo at sa gayo’y magiging mapalad ka. Gagantihan ka ng Diyos sa muling pagkabuhay ng mga banal.”
No comments:
Post a Comment