Ang sinumang nagpapakababa na gaya ng batang ito ay siyang pinakadakila sa mga pinaghaharian ng Diyos. Ang sinumang tumatanggap sa isang batang ganito dahil sa akin ay ako ang tinatanggap." Ingatan ninyo na huwag ninyong hamakin ang isa sa mga maliliit na ito. Sinasabi ko sa inyo: sa langit ang kanilang mga anghel ay laging nasa harapan ng aking Ama. "Ano sa akala ninyo ang gagawin ng isang taong may isang sandaang tupa kung maligaw ang isa sa mga iyon?
Hindi kaya
niya iiwan ang siyanmnapu't siyam na nanginginain sa kaburulan upang hanapin
ang naligaw? Sinasabi ko sa inyo: kapag nasumpungan niya ito, higit niyang
ikinagagalak ang isang ito kaysa siyamnapu't siyam na hindi naligaw. Gayon din
naman, hindi kalooban ng inyong Amang nasa langit na mapahamak ang isa sa
maliliit na ito."
No comments:
Post a Comment