Noong
panahong iyon, inilahad ni Hesus ang talinghagang ito sa mga tao, “Ang
paghahari ng Diyos ay katulad nito: may isang taong naghasik ng mabuting binhi
sa kanyang bukid. Isang gabi, samantalang natutulog ang mga tao, dumating ang
kanyang kaaway at naghasik ng masasamang damo sa triguhan.
Nang tumubo ang trigo at magkauhay, lumitaw rin ang masasamang damo. Kaya’t lumapit ang mga alipin sa puno ng sambahayan at sinabi rito, ‘Hindi po ba mabuting binhi ang inihasik ninyo sa inyong bukid? Bakit po may damo ngayon?’ Sumagot siya, ‘Isang kaaway ang may kagagawan nito.’
Tinanong
siya ng mga utusan, ‘Bubunutin po ba namin ang mga iyon?’ ‘Huwag,’ sagot niya.
‘Baka mabunot pati trigo. Hayaan na ninyong lumago kapwa hanggang sa anihan.
Pag-aani’y sasabihin ko sa mga tagapag-ani: Tipunin muna ninyo ang mga damo at
inyong pagbigkis-bigkisin upang sunugin, at ang trigo’y inyong tipunin sa aking
kamalig.’”
No comments:
Post a Comment