Noong
panahong iyon, sinabi ng ilang eskriba at Pariseo kay Jesus, "Guro, maaari
po bang pagpakitaan ninyo kami ng tanda mula sa langit?" Sumagot si Jesus,
"Lahing masasama at di-tapat sa Diyos! Naghahanap kayo ng tanda ngunit
walang ipakikita sa inyo maliban sa palatandaang inilalarawan ng nangyari kay
Propeta Jonas.
Kung
paanong si Jonas ay tatlong araw at tatlong gabing nasa tiyan ng dambuhalang
isda, gayon din ang Anak ng Tao ay tatlong araw at tatlong gabing nasa ilalim
ng lupa. Sa Araw ng Paghuhukom, titindig ang mga taga-Ninive laban sa lahing
ito at ito'y hahatulan ng kaparusahan, sapagkat nagsisi sila dahil sa
pangangaral ni Jonas; ngunit higit na di-hamak kay Jonas ang naririto!
No comments:
Post a Comment