Ama sambahin nawa ang
ngalan mo. Magsimula na sana ang iyong paghahari. Bigyan mo kami ng aming
makakain sa araw-araw. At patawarin mo kami sa aming mga kasalanan sapagkat
pinatatawad na namin ang bawat nagkasala sa amin. At huwag mo kaming iharap sa
mahigpit na pagsubok .
Sinabi pa rin nya sa kanila, ipalagay
natin ang isa sa inyo ay nagpunta sa isang kaibigan isang hatinggabi at
nagsabi. Kaibigan bigyan mo muna ako ng tatlong tinapay. Dumating kasi ang isa
kong kaibigang naglalakbay at wala akong maihain sa kanya! At ganito naman ang
sagot ng kanyang kaibigan sa loob ng bahay. Huwag mo nga akong gambalain! Naka
tranka na ang pinto at nakahiga na kami ng aking mga anak. Hindi na ako makababagon
pa upang bigyan kita ng iyong kailagan.
Sinasabi ko sa inyo hindi naman siya
bumangon dahil sa kanilang pagkakaibigan. Babangon siya para ibigay ang
hinihingi ng kaibigan dahil sa pagpupumilit nito. Kaya sinasabi ko sa inyo,
humingi kayo at kayo ay bibigyan, humanap kayo at kayo’y makasusumpong; kumatok
kayo at ang pinto’y bubuksan para sa inyo. Sapagkat tumatanggap ang bawat
humihingi; nakasusumpong ang bawat humahanap at binubuksan ang pinto sa bawat
kumakatok.
Kayong mga ama, bibigyan ba ninyo ng ahas ang inyong mga anak kung humihingi ng isda? Bibigyan ba ninyo siya ng alakdan kung siya ay humihingi ng itlog? Kung kayong masasama ay marunong magbigay ng mabubuting bagay sa inyong mga anak, gaano pa kaya ang inyonng amang nasa langit! Ibibigay niya ang Espiritu Santo sa mga humihingi sa kanya.
No comments:
Post a Comment