Tuesday, July 5, 2022

Ang Mabuting Balita Hulyo 6 Miyerkules ng Ika-14 na Linggo sa Karaniwang Panahon: Mateo 10:1-7


Mabuting Balita: Mateo 10:1-7
Noong panahong iyon, tinipon ni Jesus ang labindalawang alagad at binigyan ng kapangyarihang magpapalayas ng masasamang espiritu at magpagaling ng mga may karamdaman. Ito ang pangalan ng labindalawang apostol: si Simon na tinatawag na Pedro at si Andres na kanyang kapatid; sina Santiago at Juan na mga anak ni Zebedeo; sina Felipe at Bartolome; si Tomas, at si Mateo na publikano; si Santiago na anak ni Alfeo, at si Tadeo; si Simong Makabayan at si Judas Iscariote, ang nagkanulo kay Jesus. 

Ang labindalawang ito'y sinugo ni Jesus at kanyang pinagbilinan: "Huwag kayong pupunta sa lugar ng mga Hentil, o alinmang bayan ng mga Samaritano. Sa halip ay hanapin ninyo ang mga nawawalang tupa ng sambahayan ng Israel. Humayo kayo at ipangaral ninyo na malapit nang maghari ang Diyos." 

No comments: