Tuesday, June 28, 2022

Ang Mabuting Balita Hunyo 30 Huwebes ng Ika-13 Linggo sa Karaniwang Panahon: Mateo 9:1-8


Mabuting Balita: Mateo 9:1-8
Noong panahong iyon, sumakay si Jesus sa bangka, tumawid sa kabilang ibayo at tumuloy sa sariling bayan. Pagdating niya roon, dinala sa kanya ng ilang katao ang isang paralitikong nakaratay sa kanyang higaan. Nang makita ni Jesus kung gaano kalaki ang kanilang pananalig, sinabi niya sa paralitiko, "Anak, lakasan mo ang iyong loob! Pinatatawad ka na sa iyong mga kasalanan." Isinaloob ng ilang eskribang naroon, "Nilalapastangan ng taong ito ang Diyos."  

Ngunit batid ni Jesus ang kanilang iniisip kaya't sinabi niya, "Bakit kayo nag-iisip nang ganyan? Alin ba ang mas madali: ang sabihing, 'Ipinatatawad na ang mga kasalanan mo,' o ang sabihing, 'Tumindig ka at lumakad'? Patutunayan ko sa inyo na dito sa lupa ang Anak ng Tao'y may kapangyarihang magpatawad ng mga kasalanan." At sinabi niya sa paralitiko, "Tumindig ka, dalhin mo ang iyong higaan, at umuwi ka." Tumindig nga ang lalaki at umuwi. Nang makita ito ng mga tao, sila'y natakot at nagpuri sa Diyos na nagbigay ng ganitong kapangyarihan sa mga tao.  

No comments: