Sunday, June 26, 2022

Ang Mabuting Balita Hunyo 27 Lunes sa Ika-13 Linggo sa Karaniwang Panahon: Mateo 8:18-22


Mabuting Balita: Mateo 8:18-22
Nang makita ni Jesus ang makapal na tao sa kanyang paligid, iniutos niya sa mga kasama na maghandang tumawid sa ibayo.  

Nilapitan siya ng isang eskriba at sinabi sa kanya, "Guro, susunod po ako sa inyo saanman kayo pumaroon." Sumagot si Jesus: "May mga lungga ang mga asong-gubat, at may mga pugad ang mga ibon, ngunit ang anak ng Tao'y wala man lamang matulugan o mapagpahingahan." 

Isa naman sa mga alagad ang nagsabi sa kanya, "Panginoon, maaari po bang umuwi muna ako upang ipalibing ang aking ama?" Ngunit sinabi sa kanya ni Jesus, "Sumunod ka sa akin, at ipaubaya mo na sa mga patay ang paglilibing sa kanilang mga patay."

No comments: