Noong
panahong iyon, sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad, "Mag-ingat kayo sa
mga bulaang propeta; nagsisilapit sila sa inyo na animo'y tupa, ngunit ang
totoo'y mababangis na asong-gubat. Makikilala ninyo sila sa kanilang mga gawa.
Napipitas ba ang ubas sa puno ng dawag, o ang igos sa puno ng aroma?
Nagbubunga
ng mabuti ang bawat mabuting punongkahoy, subalit nagbubunga ng masama ang
masamang punongkahoy. Hindi maaaring magbunga ng masama ang mabuting
punongkahoy, ni ng mabuti ang masamang punongkahoy. Ang bawat puno na di
nagbubunga ng mabuti ay pinuputol at itinatapon sa apoy. Kaya nga, makikilala
ninyo sa kanilang mga gawa ang mga bulaang propeta."
No comments:
Post a Comment