Noong
panahong iyon, sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad, “Huwag kayong mag-impok
ng kayamanan dito sa lupa; dito’y may naninirang tanga at kalawang, at may
nakapapasok na magnanakaw. Sa halip, impukin ninyo ay mga kayamanan sa langit;
doo’y walang naninirang tanga at kalawang, at walang nakapapasok na magnanakaw.
Sapagkat kung saan naroon ang inyong kayamanan, naroon din naman ang inyong
puso.
“Ang mata ang
pinakailaw ng katawan. Kaya’t kung malinaw ang iyong mata, maliliwanagan ang
buo mong katawan. Ngunit kung malabo ang iyong mata, madirimlan ang buo mong
katawan. Kaya’t kung ang liwanag na nasa iyo ay kadiliman pala, napakadilim
niyan!”
No comments:
Post a Comment