Thursday, May 12, 2022

Ang Mabuting Balita para Sabado Mayo 14, San Matias, apostol (Kapistahan): Juan 15:9-17


Mabuting Balita: 
Juan 15:9-17
Sinabi ni Jesus sa kanyang mga alagad: 9 Kung paano ako minamahal ng Ama, gayon ko rin kayo minahal. Ma­ma­lagi kayo sa pagmamahal ko. 10 Kung isasa­katuparan ninyo ang mga kautusan ko, mamamalagi kayo sa pagmamahal ko kung paanong isina­katuparan ko ang mga kautusan ng aking Ama at nama­malagi sa kanyang pagmamahal.   

11 Sinabi ko sa inyo ang mga ito upang mapasainyo ang aking kaga­lakan at maging ganap ang inyong kagalakan. 12 Ito ang kautusan ko: magmahalan kayo kung paano ko kayo minahal. 13 Wala nang pagma­mahal na hihigit pa sa pag-aalay ng sariling buhay alang-alang sa kanyang mga kaibigan.   

14 Mga kaibigan ko kayo kung gina­gawa ninyo ang iniuutos ko sa inyo. 15 Hindi ko na kayo tinatawag na mga lingkod sapagkat hindi alam ng lingkod ang ginagawa ng kanyang panginoon. Mga kaibigan naman ang turing ko sa inyo sapagkat ipinagbibigay-alam ko sa inyo lahat ng narinig ko mula sa aking Ama.  

16 Hindi kayo ang humirang sa akin, ako ang humirang sa inyo at nagtalaga sa inyo para humayo at mamunga, at mamalagi ang inyong bunga. At ipagka­kaloob sa inyo anumang hingin n’yo sa Ama sa pangalan ko. 17 Iniuutos ko nga sa inyo: magma­halan kayo. 

No comments: