Tuesday, May 3, 2022

Ang Mabuting Balita para sa Mayo 7, Sabado sa Ika-3 Linggo ng Pasko ng Muling Pagkabuhay: Juan 6:60-69


Mabuting Balita: 
Juan 6:60-69
60 Sinabi ng mga alagad ni Jesus: “Mabigat ang salitang ito. Sino ang maka­kapakinig dito?” 61 Alam ni Jesus sa kanyang sarili na nagbubulung-bulungan tungkol dito ang kanyang mga alagad kayat sinabi niya sa kanila: “Nakakaiskandalo ba ito sa inyo? 62 Ano kayat mapansin n’yo ang Anak ng Tao uma­akyat sa dati niyang kinaro­roonan?   

63 Ang espiritu ang nag­bibigay-buhay; walang bisa ang laman. Ang mga salitang binigkas ko sa inyo’y espiritu kaya buhay. 64 Ngunit may ilan sa inyo ang hindi naniniwala.” Pagkat alam ni Jesus mula sa simula kung sinu-sino ang mga di mani­niwala at kung sino ang magkakanulo sa kanya. 65 At sinabi niya: “Dahil dito kaya ko sinabi sa inyong walang makalalapit sa akin malibang ipagkaloob ito sa kanya ng Ama.”   

66 Kaya mula noo’y marami sa kan­yang mga alagad ang tumalikod at hindi na nag­patuloy sumama sa kanya. 67 Sinabi naman ni Je­sus sa Labin­dalawa: “Gusto n’yo rin bang umalis?” 68 Sumagot sa kanya si Simon Pedro: “Panginoon, kanino kami pupunta? Mga salita ng buhay magpakailanman meron ka. 69 Nanini­wala na kami at ­kilala naming ikaw ang Banal ng Diyos.”

No comments: