Monday, May 2, 2022

Ang Mabuting Balita para sa Mayo 5, Huwebes sa Ika-3 Linggo ng Pasko ng Muling Pagkabuhay: Juan 6:44-51


Mabuting Balita: 
Juan 6:44-51
44 Sinabi ni Jesus sa mga tao: Walang ma­ka­lala­pit sa akin kung hindi siya aakitin ng Amang nagpadala sa akin. At itatayo ko siya sa huling araw. 45 Na­susulat sa Mga Propeta: Tuturuan nga silang lahat ng Diyos. Kaya lumalapit sa akin ang bawat nakarinig at tinuruan ng Ama.   

46 Wala ngang nakakita sa Ama liban sa kanya na galing sa Diyos; siya ang naka­kita sa Diyos. 47 Talagang-tala­gang sina­sabi ko sa inyo, may buhay magpaka­ilanman ang naniniwala. 48 Ako siyang tinapay ng buhay. 49 Ku­main nga ng manna sa disyerto ang inyong mga ni­nuno at nangamatay pa rin. 50 Narito naman ang tinapay na puma­panaog mula sa Langit, upang maka­kain nito ang sinuman at di ma­matay.   

51 Ako siyang tinapay na buhay, na pumanaog mula sa Langit. Kung may kakain ng tinapay na ito, mabubuhay siya magpa­kailanman. At ang laman ko ang tinapay na aking ibibigay alang-alang sa ikabu­buhay ng mundo.

No comments: