Sunday, May 1, 2022

Ang Mabuting Balita para sa Martes Mayo 3, San Felipe at San Santiago mga apostol (Kapistahan) : Juan 14:6-14


Mabuting Balita: Juan 14:6-14
Noong panahong iyon sinabi ni Jesus kay Tomas: “Ako siyang daan, ang katotohanan, at ang buhay. Walang nakalalapit sa Ama kundi sa pamamagitan ko. 7 Kung kilala ninyo ako, makikilala rin ninyo ang aking Ama. Ngunit ngayon, kilala n’yo na siya at nakita ninyo siya.”  

Sinabi sa kanya ni Felipe: “Pangi­noon, ipakita mo na sa amin ang Ama at sapat na sa amin.” Sinabi sa kanya si Jesus: “Ang tagal na panahon n’yo akong kasa­ma at hindi mo pa ako kilala, Felipe? Sa pag­ka­kita sa akin ninu­man, ang Ama ang naki­kita niya. Paano mong masasabi: ‘Ituro mo sa amin ang Ama’? 10 Hindi ka ba naniniwalang nasa Ama ako at nasa akin ang Ama? Hindi mula sa sarili ko sinasabi ang  mga salitang bini­bigkas ko. Sa akin nanu­nuluyan ang Ama, at siya ang guma­gawa ng kanyang mga gawa.  

11 Mani­wala kayo sa akin na nasa Ama ako at nasa akin ang Ama. Kung hindi dahil sa akin, maniwala kayo dahil man lamang sa mga gawa. 12 Talagang-talagang sinasabi ko sa inyo, magagawa rin ng nananalig sa akin ang gawang ginawa ko; at mas dakila pa kaysa mga ito ang gagawin niya. Sapagkat sa Ama ako papunta. 13 Anu­mang hingin n’yo sa Pangalan ko’y gaga­win ko upang luwalhatiin ang Ama sa Anak. 14 At kung may hingin kayo sa akin sa Pangalan ko, gagawin ko.

No comments: