Noong
panahong iyon, sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad: 16 Sandali pa at
hindi n’yo na ako mapapansin, at sandali pa at makikita ninyo ako.” 17 At
sinabi ng kanyang mga alagad sa isa’t isa: “Ano itong sinasabi niya sa atin:
‘Sandali pa at hindi n’yo na ako mapapansin at sandali pa at makikita ninyo
ako.’ At ‘Papunta ako sa Ama’?” 18 At sinabi nila: “Ano ba itong sinasabi
niyang ‘sandali’? Hindi natin maintindihan ang sinasabi niya.”
19 Naintindihan
ni Jesus na gusto nila siyang tanungin kaya sinabi niya sa kanila:
“Nagtatanungan kayo tungkol dito dahil sinabi kong ‘Sandali pa at hindi n’yo na
ako mapapansin, at sandali pa at makikita ninyo ako.’ 20 Talagang-talagang
sinasabi ko sa inyo, iiyak kayo at tataghoy, at magagalak naman ang mundo.
Maninimdim kayo ngunit magiging kagalakan ang inyong paninimdim.
No comments:
Post a Comment