Inalagaan ko sila at ni isa'y walang napahamak, liban sa taong humanap ng kanyang kapahamakan, upang matupad ang Kasulatan. Ngunit ngayon, ako'y papunta na sa iyo; at sinasabi ko ito habang ako'y nasa sanlibutan upang mapuspos sila ng aking kagalakan. Naibigay ko na sa kanila ang iyong salita; at kinapootan sila ng sanlibutan, sapagkat hindi na sila makasanlibutan, tulad kong hindi makasanlibutan.
Hindi ko
idinadalanging alisin mo sila sa sanlibutan, kundi iligtas mo sila sa Masama!
Hindi sila makasanlibutan, tulad kong hindi makasanlibutan. Italaga mo sila sa
pamamagitan ng katotohanan; ang salita mo'y katotohanan. Kung paanong sinugo mo
ako sa sanlibutan, gayon din naman, sinusugo ko sila sa sanlibutan. At
alang-alang sa kanila'y itinalaga ko ang aking sarili, upang maitalaga rin sila
sa pamamagitan ng katotohanan."
No comments:
Post a Comment