Noong
panahong iyon sinabi ng kanyang mga alagad kay Hesus, "Ngayon po'y tuwiran
na ang inyong pangungusap sa amin at hindi na patalinghaga! Alam na naming
batid ninyo ang lahat ng bagay, at hindi na kailangang tanungin ninuman. Dahil
dito, naniwala kaming kayo'y mula sa Diyos." Sumagot si Jesus,
"Naniniwala na ba kayo ngayon?
Darating ang
oras -- at ngayon na nga -- na magkakawatak-watak kayo, magkakanya-kanyang
lakad kayo, at iiwan ninyo ako. Gayunma'y hindi ako nag-iisa sapagkat kasama ko
ang Ama. Sinasabi ko ito sa inyo upang kayo'y magkaroon ng kapayapaan sa
pakikipag-isa sa akin. Mayroon kayong kapighatian dito sa sanlibutan; ngunit
lakasan ninyo ang inyong loob! Napagtagumpayan ko na ang sanlibutan!"
No comments:
Post a Comment