Noong
panahong iyon, sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad: 5 Ngayon nama’y
papunta ako sa nagpadala sa akin, at wala sa inyong nag-tatanong sa akin
kung saan ako papunta, 6 kundi tigib ng lungkot ang inyong puso dahil
sinabi ko sa inyo ang lahat ng ito.
7 Ngunit sinasabi ko sa inyo ang katotohanan: makabubuti sa inyong ako’y umalis sapagkat kung hindi ako aalis. hinding-hindi darating sa inyo ang Tagapagtanggol. Kung aalis naman ako, ipadadala ko siya sa inyo. 8 At pagdating niya, hihiyain niya ang mundo tungkol sa kasalanan, sa daan ng pagkamatuwid at sa paghatol.
9 Ito ang kasalanan: hindi sila nananalig sa akin. 10 Ito ang daan ng pagkamatuwid: sa Ama ako papunta, at hindi na ninyo ako mapapansin. 11 At hinatulan na ang pinuno ng mundong ito: ito ang paghatol.
No comments:
Post a Comment