Sinabi ni
Jesus sa kanyang mga alagad: 12 Ito ang kautusan ko: magmahalan kayo kung
paano ko kayo minahal. 13 Wala nang pagmamahal na hihigit pa sa pag-aalay
ng sariling buhay alang-alang sa kanyang mga kaibigan.
14 Mga kaibigan ko kayo kung ginagawa ninyo ang iniuutos ko sa inyo. 15 Hindi ko na kayo tinatawag na mga lingkod sapagkat hindi alam ng lingkod ang ginagawa ng kanyang panginoon. Mga kaibigan naman ang turing ko sa inyo sapagkat ipinagbibigay-alam ko sa inyo lahat ng narinig ko mula sa aking Ama.
16 Hindi
kayo ang humirang sa akin, ako ang humirang sa inyo at nagtalaga sa inyo para
humayo at mamunga, at mamalagi ang inyong bunga. At ipagkakaloob sa inyo
anumang hingin n’yo sa Ama sa pangalan ko. 17 Iniuutos ko nga sa inyo:
magmahalan kayo.
No comments:
Post a Comment