16 Nang
magtakipsilim na, lumusong sa aplaya ang kanyang mga alagad, 17at pagkasakay
sa bangka ay nagpakabilang-ibayo ng dagat pa-Capernaum. Dumilim na at wala pa
sa kanila si Jesus: 18 at magalaw ang dagat sa malakas na ihip ng
hangin.
19 Pagkasagwan
nila nang may lima o anim na kilometro, napansin nilang naglalakad si Jesus sa
dagat at palapit sa bangka. Nasindak sila. 20 Ngunit sinabi niya sa
kanila: “Ako siya; huwag kayong matakot.” 21 Nang isasakay na nila sa
bangka, bigla namang nasa pampang na na pupuntahan nila ang bangka.
No comments:
Post a Comment