3 Kaya lumabas si Pedro at ang isa pang alagad, at pumunta sa libingan. 4 Sabay na tumakbo ang dalawa. Ngunit mas mabilis tumakbo kay Pedro ang isa pang alagad, at unang nakarating sa libingan. 5 Pagkayuko niya’y nakita niyang nakalatag ang mga telang linen pero hindi siya pumasok.
6 Dumating namang kasunod niya
si Simon Pedro, at pumasok sa libingan. Napansin niya ang mga telang linen na
nakalatag, 7 at ang panyo namang nakatalukbong sa ulo niya ay di kasama sa mga
telang linen na nakalatag kundi hiwalay na nakabilot sa mismong lugar nito. 8
Pumasok noon ang isa pang alagad, ang unang nakarating sa libingan, at nakita
niya at siya’y naniwala. 9 Sapagkat hindi pa nila alam ang Kasulatan na
kailangan siyang magbangon mula sa mga patay.
No comments:
Post a Comment