Tuesday, April 12, 2022

Ang Mabuting Balita para sa Linggo Abril 17, Linggo ng Pasko ng Muling Pagkabuhay: Juan 20:1-9



Mabuting Balita: Juan 20:1-9
pagkatapos ng Araw ng Pahinga, habang madilim pa, maagang pumunta sa libingan si Maria Magdalena, nang makita niyang tanggal ang bato mula sa libingan, 2 patakbo siyang pumunta kay Simon Pedro at sa isa pang alagad na mahal ni Jesus. Sinabi niya sa kanila: “May kumuha sa Panginoon mula sa libingan, at hindi namin alam kung saan nila siya inilagay.”   

3 Kaya lumabas si Pedro at ang isa pang alagad, at pumunta sa libingan. 4 Sabay na tumakbo ang dalawa. Ngunit mas mabilis tumakbo kay Pedro ang isa pang alagad, at unang nakarating sa libingan. 5 Pagkayuko niya’y nakita niyang nakalatag ang mga telang linen pero hindi siya pumasok.   

6 Dumating namang kasunod niya si Simon Pedro, at pumasok sa libingan. Napansin niya ang mga telang linen na nakalatag, 7 at ang panyo namang nakatalukbong sa ulo niya ay di kasama sa mga telang linen na nakalatag kundi hiwalay na nakabilot sa mismong lugar nito. 8 Pumasok noon ang isa pang alagad, ang unang nakarating sa libingan, at nakita niya at siya’y naniwala. 9 Sapagkat hindi pa nila alam ang Kasulatan na kailangan siyang magbangon mula sa mga patay.

No comments: