Friday, April 1, 2022

Ang Mabuting Balita para sa Abril 4 Lunes sa Ika-5 Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda: Juan 8:12-20


Mabuting Balita: Juan 8:12-20
Noong panahong iyon 12  muling nangusap si Jesus sa kanila at nagwika: “Ako siyang liwanag ng mundo. Magkakaroon ng liwanag ng buhay ang sumusunod sa akin at hinding-hindi magpapalakad-lakad sa karimlan.” 13 Kaya sinabi sa kanya ng mga Pari­seo: “Ikaw ang nagpapatunay sa iyong sarili. Hindi totoo ang patunay mo.”  

14 Sumagot si Jesus sa kanila: “Kahit na nagpapatunay ako sa aking sarili, totoo ang patunay ko dahil alam ko kung saan ako galing at kung pasaan ako. Pero hindi n’yo alam kung saan ako galing at kung pasaan ako. 15 Ayon sa laman kayo nag-huhukom; hindi ko hinuhukuman ang sinu­man.  

 16 Kung humukom man ako, totoo ang paghu­hukom ko dahil hindi ako nag-iisa, kundi ako at ang Amang nagpa­dala sa akin. 17 Nasusulat sa Batas ninyo na totoo ang patunay ng dalawang tao. 18 Ako ang nagpapatunay sa aking sarili at nagpapa­tunay naman tungkol sa akin ang Amang nagpadala sa akin.”  

19 Kaya sinabi nila sa kanya: “Na­saan ba ang Ama mo?” Sumagot si Jesus: “Ni ako o ang aking Ama ay hindi n’yo kilala. Kung kilala ninyo ako, kilala rin sana ninyo ang aking Ama.” 20 Sinabi niya ang mga pananalitang ito sa may Kabang-yaman sa pangaral niya sa Templo. At walang dumakip sa kanya dahil hindi pa sumasapit ang kanyang oras.

No comments: