Tuesday, April 26, 2022

Ang Mabuting Balita para sa Abril 28, Huwebes sa Ika-2 Linggo ng Pasko ng Muling Pagkabuhay: Juan 3:31-36


Mabuting Balita: 
Juan 3:31-36
Sinabi ni Jesus kay Nicodemo 31 Walang kapantay ang naparirito mula sa itaas. Makalupa naman ang mula sa lupa at makalupa rin ang sina­sabi niya. Walang kapantay ang naparirito mula sa langit. 32 Pinatutuna­yan niya ang kanyang nakita at narinig ngunit wala ngang tuma­tanggap sa kanyang patunay.  

33 Pinag­tibay naman ng tumanggap sa kanyang patunay na totoo ang Diyos. 34 Sinasabi nga ng sinugo ng Diyos ang mga salita ng Diyos sapagkat walang sukat na ibini­bigay sa kanya ang Espiritu. 35 Mahal nga ng Ama ang Anak, at ipinagkatiwala sa kanyang mga kamay ang lahat. 36 May buhay magpakailan­man ang nananalig sa Anak. Hindi naman nakikita ng ayaw manalig sa Anak ang buhay kundi nama­malagi sa kanya ang galit ng Diyos.

No comments: