17 Hindi nga sinugo ng Diyos sa mundo ang Anak upang hukuman ang mundo kundi upang maligtas ang mundo sa pamamagitan niya. 18 Hindi hinuhukuman ang nananalig sa kanya. Ngunit hinu-kuman na ang hindi nananalig pagkat hindi siya nananalig sa Ngalan ng bugtong na Anak ng Diyos.
19 Ito
ang paghuhukom: dumating sa mundo ang liwanag pero mas minahal pa ng mga tao
ang karimlan kaysa liwanag sapagkat masasama ang kanilang gawa. 20 Ang
gumagawa ng masama’y napopoot nga sa liwanag at hindi lumalapit sa liwanag, at
baka malantad ang kanyang mga gawa. 21 Lumalapit naman sa liwanag ang
gumagawa ng katotohanan upang mabunyag na sa Diyos ginagawa ang kanyang mga
gawa.
No comments:
Post a Comment