Monday, April 18, 2022

Ang Mabuting Balita para sa Abril 23, Sabado sa Walong Araw na Pagdiriwang ng Pasko ng Muling Pagkabuhay: Marcos 16:9-15


Mabuting Balita: 
Marcos 16:9-15
9 Pagkabuhay ni Jesus sa unang araw ng sanlinggo, una siyang napakita kay Maria Magdalena na mula rito’y pitong demonyo ang pinalayas niya. 10 Umalis ito at nag­balita sa mga ka­sama ni Jesus na noo’y umiiyak at nag­luluksa. 11 Ngunit hindi sila naniwala sa kanya nang marinig nilang buhay si Jesus at napakita sa kanya.   

12 Pagkatapos nito, napakita naman si Jesus sa ibang anyo sa dalawa sa kanila habang pa­punta sila sa labas ng bayan. 13 At pagbalik nila, ibina­lita rin nila ito sa iba pa pero hindi rin naniwala ang mga ito sa ka­nila. 14 Sa dakong huli, nang nasa hapag ang La­bing-isa, napakita sa kanila si Jesus at pinagsabihan sila dahil sa ka­wa­lang-paniwala nila at kati­gasan ng puso: hindi nga nila pinaniniwalaan ang mga nakakita sa kanya matapos siyang bu­hayin.  

15 At sinabi sa kanila: “Pumunta kayo sa bu­ong daigdig at ipahayag ang ebang­helyo sa buong sangkinapal.

No comments: