4 Sapagkat paminsan-minsa’y bumababa sa palanguyan ang Anghel ng Panginoon at kinakalawkaw ang tubig. At umiigi sa anumang sakit ang unang makalusong matapos makalawkaw ang tubig.). 5 At doo’y may taong tatlumpu’t walong taon nang may sakit.
6 Pagkakita ni Jesus dito na nakahandusay at pagkaalam niya na matagal na ito roon, sinabi niya sa kanya: “Gusto mo bang umigi?” 7 Sumagot sa kanya ang maysakit: “Wala po akong taong makapaghahagis sa akin sa palanguyan kapag nakalawkaw na ang tubig. Habang paroon pa ako, may lumulusong nang una sa akin.”
8 Sinabi sa kanya ni Jesus: “Bumangon ka, buhatin mo ang iyong higaan at maglakad-lakad!” 9 At dagling umigi ang tao, at binuhat niya ang kanyang higaan at naglakad-lakad. Araw nga ng Pahinga ang araw na iyon. 10 Kaya sinabi ng mga Judio sa taong pinagaling: “Araw ng Pahinga ngayon at di ipinahihintulot na magbuhat ka ng higaan.
11 Sumagot siya sa kanila: “Ang nagpaigi sa akin ang siyang nagsabi sa aking “Buhatin mo ang iyong higaan at lumakad ka.” 12 Tinanong nila siya: “Sino ang taong nagsabi sa iyong ‘Magbuhat at maglakad-lakad?” 13 Ngunit hindi alam ng pinagaling kung sino siya, sapagkat nakatalilis si Jesus dahil maraming tao sa lugar na iyon.
14 Pagkatapos
nito, natagpuan siya ni Jesus sa Templo at sinabi niya sa kanya: “Hayan, maigi
ka na. Huwag ka nang magkasala pa, at baka may masahol pang mangyari sa
iyo.” 15 Umalis ang tao at sinabi sa mga Judio na si Jesus ang nagpaigi sa
kanya. 16 Dahil dito, inusig ng mga Judio si Jesus sapagkat sa Araw ng Pahinga
niya ginawa ang mga ito.
No comments:
Post a Comment