Thursday, March 17, 2022

Ang Mabuting Balita para sa Marso 21 Lunes sa Ika-3 Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda: Lucas 4:24-30


Mabuting Balita: Lucas 4:24-30
Pagdating ni Jesus sa Nazaret sinabi niya sa lahat ng mga taong nasa sinagoga24 “Talagang sinasabi ko: walang propetang katanggap-tanggap sa sarili niyang bayan. 25 Tinitiyak ko sa inyo na maraming babaeng balo noon sa kapana­hunan ni Elias nang sarhan ang langit sa loob ng tatlo’t kala­hating taon at nagkaroon ng matin­ding taggutom sa buong lupain.  

26 Gayon pa ma’y hindi ipinadala si Elias sa isa man sa kanila kundi sa baba­eng balo ng    Sarepta sa may Sidon. 27 Marami ring may­ketong sa Israel sa kapana­hunan ni Propeta Eliseo pero wala sa kanilang pinaga­ling kundi ang Siriong si Naaman.”   

28 Napuno ng galit ang lahat sa sinagoga pagkarinig dito, 29 tumindig sila at ipinagtulakan siya sa labas ng bayan. Dinala nila siya sa gilid ng burol na ki­na­­­ta­tayuan ng kanilang bayan para ihu­log. 30 Ngunit du­maan siya sa gitna nila at umalis.

No comments: