Wednesday, February 9, 2022

Ang Mabuting Balita para sa Huwebes Pebrero 10, Santa Escolastica, dalaga (Paggunita): Marcos 7:24-30


Mabuting Balita: Marcos 7:24-30
24 Lu­ma­yo si Jesus patungo sa hangganan ng Tiro. Pumasok siya roon sa isang bahay at kahit na ayaw niya itong malaman ninuman, hindi ito nalihim. 25 May isang babaeng nakabalita tung­kol sa kanya. Inaalihan ng maruming espiritu ang kan­yang dalagita kaya pumunta siya at nag­patirapa sa kan­yang paanan. 26 Isa siyang paga­nong taga-Sirofenicia. At ipinaki­usap niya kay Jesus na palayasin ang demonyo sa kanyang anak.  

27 Sinabi naman ni Jesus sa kanya: “Ba­ya­an mo munang mabusog ang mga anak. Hindi tama na kunin ang tinapay sa mga bata at itapon ito sa mga tuta.” 28 Su­ma­got ang babae: “Totoo nga, Ginoo, pero kinakain ng mga tuta sa ilalim ng mesa ang mga nalalaglag mula sa mga bata.” 29 At sinabi sa kanya ni Jesus: “Dahil sa sinabi mong ito, lumabas na sa iyong anak na babae ang demonyo.” 30 Kaya umuwi ang babae at nakita niya ang bata na naka­higa sa kama; lumabas na nga ang demonyo. 

No comments: