Sunday, February 6, 2022

Ang Mabuting Balita para sa Pebrero 7, Lunes ng Ikalimang Linggo sa Karaniwang Panahon: Marcos 6:53-56


Mabuting Balita: Marcos 6:53-56
53 Pagkatawid ni Jesus at ng kanyang mga alagad, dumating sila sa pampang ng Genesaret at doon nila           isi­nadsad ang bangka. 54 Paglunsad nila ng bangka, nakilala si Jesus ng mga taga­­roon 55 at pa­takbo nilang ipinama­lita ito sa lupaing iyon.   

Kaya dinala nila ang mga maysakit na nasa higaan kung saan nila mabalitaang naroon siya. 56 At saanman siya lumakad, sa mga nayon man o sa bayan o sa bukid, inilalagay nila sa mga liwasan ang mga maysakit at nakikiusap sa kanya na mahipo man lamang sana nila ang laylayan ng kanyang damit, at gumaling ang lahat ng humipo rito.

No comments: