14 Nakalimutan
ng mga alagad na magdala ng tinapay at isa lang ang dala nila sa bangka.
15 At pinagsabihan sila ni Jesus: “Mag-ingat at huwag magtiwala sa lebadura
ng mga Pariseo at sa lebadura ni Herodes.” 16 At sinabi ng mga alagad sa
isa’t isa: “Oo nga, ano? Wala tayong dalang tinapay.”
17 Alam ni Jesus ang mga ito kaya sinabi niya sa kanila: “Bakit ninyo pinag-uusapan ang tinapay na wala sa inyo? Hindi pa ba ninyo maisip at maunawaan? Mapurol ba ang inyong pag-iisip? 18 May mata kayong di nakakakita at may taingang di nakakarinig? Hindi na ba ninyo naaalala 19 nang pinira-piraso ko ang limang tinapay para sa limang libo, ilang basket na puno ng mga pira-piraso ang inyong naipon?”
At sumagot
sila: “Labindalawa.” 20 “At nang may pitong tinapay para sa apat na libo,
ilang bayong na puno ng mga pira-piraso ang inyong naipon?” At sumagot sila:
“Pito.” 21 At sinabi ni Jesus: “Hindi pa ba ninyo nauunawaan?”
No comments:
Post a Comment