22 Sinabi
ni Jesus sa kanyang mga alagad: “Kailangang magtiis ng marami ang Anak ng Tao.
Itatakwil nga siya ng mga Matatanda ng bayan, ng mga punong-pari at ng mga guro
ng Batas. Papatayin siya at muling babangon sa ikatlong araw.”
23 Sinabi
naman ni Jesus sa lahat: “Kung may gustong sumunod sa akin, itakwil ang kanyang
sarili at kunin ang kanyang krus araw-araw para sumunod sa akin.
24 Sapagkat ang naghahangad na magligtas ng kanyang sarili ay mawawalan
nito, at ang mawawalan ng kanyang sarili alang-alang sa akin ay siyang makapagliligtas
nito. 25 Ano ang pakinabang ng tao tubuin man niya ang buong daigdig at
mawawala naman o mapapahamak ang kanyang sarili?
No comments:
Post a Comment