Sunday, February 13, 2022

Ang Mabuting Balita para sa Lunes Pebrero 14, San Cirilo, monghe at San Metodio, Obispo (Paggunita): Marcos 8:11-13


Mabuting Balita: Marcos 8:11-13
Noong panahong iyon, 11 Dumating ang mga Pariseo at nagsimulang makipagtalo kay Jesus. Gusto nilang subukan si Jesus at humingi ng isang makalangit na tanda. 12  Nagbuntung-hininga siya at sinabi: “Bakit humihingi ng palatandaan ang lahing ito? Talagang sinasabi ko sa inyo: walang tandang ibibigay sa lahing ito.” 13 Kaya iniwan sila ni Jesus at sumakay sa bangka patawid sa kabilang ibayo.

No comments: