Noong
panahong iyon, 11 Dumating ang mga Pariseo at nagsimulang makipagtalo kay
Jesus. Gusto nilang subukan si Jesus at humingi ng isang makalangit na tanda.
12 Nagbuntung-hininga siya at sinabi: “Bakit humihingi ng palatandaan ang
lahing ito? Talagang sinasabi ko sa inyo: walang tandang ibibigay sa lahing
ito.” 13 Kaya iniwan sila ni Jesus at sumakay sa bangka patawid sa kabilang
ibayo.
No comments:
Post a Comment