41 Bakit mo tinitingnan ang puwing sa
mata ng iyong kapatid? At di mo pansin ang troso sa iyong mata. 42 Paano mo
masasabi sa iyong kapatid: ‘Kapatid, pahintulutan mong alisin ko ang puwing sa
mata mo,’ gayong hindi mo nga makita ang troso sa mata mo? Mapagkunwari!
Alisin mo muna ang troso sa mata mo, at saka ka makakakitang mabuti para alisin
ang puwing sa mata ng kapatid mo.
43 Hindi makapamumunga ng masama ang mabuting puno, at ang masamang puno nama’y hindi makapamumunga ng mabuti. 44 Nakikilala ang bawat puno sa bunga nito. Hindi makapipitas ng igos mula sa tinikan ni makaaani ng ubas mula sa dawagan. 45 Naglalabas ang taong mabuti ng mabuting bagay mula sa yaman ng kabutihan sa kanyang puso; ang masama nama’y naglalabas ng masamang bagay mula sa kanyang kasamaan. At sinasabi nga ng bibig ang umaapaw mula sa puso.
No comments:
Post a Comment