Monday, January 31, 2022

Ang Mabuting Balita para sa Pebrero 3, Huwebes ng Ikaapat na Linggo sa Karaniwang Panahon: Marcos 6:7-13


Mabuting Balita: Marcos 6:7-13
Naglibot naman si Jesus sa mga nayon sa paligid sa kanyang pagtuturo. 7 At tinawag niya ang Labindalawa at sinimulang isugo sila nang dala-dalawa. Binigyan niya sila ng kapangyarihan sa mga maruming espiritu. 8 At sinabihan niya silang huwag magdala ng anuman para sa paglalakbay kundi tungkod lamang. Walang pagkain, walang pitaka o pera sa sinturon. 9 Nakasandalyas at may isang damit lang.  

10 At sinabi niya sa kanila: “Pagtuloy ninyo sa isang bahay, manatili kayo roon hanggang sa pag-alis ninyo mula roon. 11 Kung may lugar na hindi tatanggap o makikinig sa inyo, umalis kayo roon at ipagpag ang alikabok sa inyong mga paa bilang sakdal sa kanila.”  

12 At pag-alis nila, ipinangaral nila ang pagbabalik-loob. 13 Maraming demonyo ang kanilang pinalayas at marami ring maysakit ang pinagaling nila sa pagpapahid ng langis.

No comments: