Monday, January 24, 2022

Ang Mabuting Balita para sa Miyerkules Enero 26, San Timoteo at San Tito; mga obispo (Paggunita): Marcos 4:1-20


Mabuting Balita: Marcos 4:1-20
1 Muling nagsimulang magturo si Jesus sa tabing-dagat at mara­mi ang nagkatipon sa kanya. Kaya su­makay siya sa bangka at naupo. Nasa dagat siya at nasa tabing-dagat naman ang lahat. 2 At marami siyang itinuro sa kanila sa tulong ng mga talinhaga. Si­nabi niya sa kanila sa kanyang pagtuturo:  

3 “Makinig kayo! Lumabas ang mang­ha­hasik para maghasik. 4 Sa kanyang paghahasik, may butong nahulog sa tabi ng daan. Dumating ang mga ibon at ki­nain ang mga iyon. 5 Nahulog na­man ang ibang buto sa batuhan at ma­babaw ang lupa roon. Madaling tumu­bo ang mga buto dahil hindi ma­lalim ang lupa. 6 Ngunit pagsikat ng araw, nasunog ito sa init at sapagkat walang ugat, natuyo ito. 7 Na­hulog ang iba pang buto sa mga tinikan. At nang lumago ang mga tinik, sinikil ng mga ito ang halaman at hindi namunga. 8 Nahulog naman ang iba sa matabang lupa at namunga sa paglaki at paglago. May nagbunga ng tat­lumpu, animnapu ang iba at sandaan ang iba pa.”  

9 At idinagdag ni Jesus: “Makinig ang may tainga!” 10 Nang wala na ang mga tao, tina­nong siya ng mga nakapalibot sa kanya, na kasama ng Labindalawa tung­­kol sa mga talinhaga: “Bakit sa pama­magitan ng mga talinhaga ka nagsasalita sa kanila?” 11 At sinabi sa kanila ni Jesus: “Sa inyo ipinagkakaloob ang lihim ng kaha­rian ng Langit ngunit sa mga iyon na nasa labas, ang lahat ay sumasapit gaya ng talinhaga. 12 Kaya tumitingin sila pero di naka­kakita; nakaririnig pero di nakau­unawa kaya naman di sila nagbabalik-loob at di pinatatawad.”  

• 13 At sinabi ni Jesus sa kanila: “Hin­di ninyo nauunawaan ang talinhagang ito, kayat paano ninyo mau­unawaan ang iba pa? 14 Ang Salita ang inihahasik ng mang­hahasik. 15 Ang mga nasa tabi ng daan ay ang mga nahasikan ng Salita, na pag­ka­rinig nila sa Salita ay agad na duma­ting ang Masama at inagaw ang nahasik sa kanila.  

16 Gayundin ang nahasik sa batu­han. Pagkarinig nila sa Salita, kaagad nila itong tinanggap nang buong kasi­yahan. 17 Ngunit hindi ito nag-ugat sa kanilang kalooban at panandalian lamang. Ka­pag nagkaroon ng pagsu­bok at pag-uusig dahil sa Salita, agad-agad silang natitisod. 18 May iba pang nahasik sa mga tini­kan. Ang mga ito ang nakarinig sa Salita. 19 Ngunit pinapasok ang mga ito ng mga makamundong kabalisahan, ng pandaraya ng kayamanan at ng iba pang mga pagnanasa. Sinikil ng mga ito ang Salita at hindi na nakapagbunga.  

20 Ang mga buto namang nahasik sa matabang lupa ay ang mga nakari­nig sa Salita at isinasagawa ito. At nag­bubunga sila ng sandaan, animnapu o tatlumpu.”

No comments: