23 Tinawag sila ni Jesus at nagsalita sa talinhaga: “Puwede bang Satanas ang magpalayas sa Satanas? 24 Kung may pagkakahati-hati ang isang kaharian, hindi na makatatayo ang kahariang iyon. 25 At kung may sambahayang nagkakahati-hati, hindi na makatatayo ang sambahayang iyon. 26 At kung si Satanas ang lumalaban sa kanyang sarili at nagkakahati-hati, hindi na siya makatatayo kundi malapit na ang wakas niya. 27 Walang makapapasok sa bahay ni Malakas at makaaagaw sa lahat niyang mga gamit kung hindi muna itatali si Malakas. Saka lamang niya masasaid ang lahat ng ari-arian nito.
28 Sinasabi
ko sa inyo: patatawarin ang mga anak ng tao sa lahat – sa kanilang mga
kasalanan at pati sa kanilang mga paglait sa Diyos kahit na marami man ang mga
paglait nila sa Diyos. 29 Ngunit kung may magsalita laban sa Espiritu
Santo, kailanma’y di siya mapapatawad; kasa-lanang walang hanggan ang nasa
kanya.” 30 Ang pagsasabi nilang may masamang espiritu siya ang tinutukoy
ni Jesus.
No comments:
Post a Comment