Thursday, January 06, 2022

Ang Mabuting Balita para sa Linggo Enero 9, Pagbibinyag sa Panginoon: Lucas 3:15-16, 21-22


Mabuting Balita: Lucas 3:15-16, 21-22
Nananabik noon ang mga tao at nag-isip-isip ang lahat kung hindi nga kaya si Juan ang Mesiyas. 16 At sumagot si Juan sa pagsasabi sa kanilang lahat: “Nagbibinyag ako sa inyo sa tubig pero dumarating na ang isang mas makapang-yarihan sa akin. Ni hindi ako karapat-dapat magkalag ng tali ng kanyang mga panyapak. Sa Espiritu Santo at apoy niya kayo bibinyagan.  

21 Nang mabinyagan ang lahat ng tao, nabinyagan din si Jesus. At nabuksan ang langit habang siya’y nananalangin. 22 Bumaba sa kanya ang Espiritu Santo sa pangkatawang hugis ng isang kalapati at narinig mula sa langit ang isang tinig: “Ikaw ang aking Anak, ang aking Minamahal, ikaw ang aking Hinirang.”

No comments: