6 May
anim na tapayang bato roon para sa sagradong paghuhugas ng mga Judio.
Tigwawalumpu o tigsasandaang litro ang laman ng mga iyon. 7 Kaya sinabi ni
Jesus sa kanila: “Punuin n’yo ng tubig ang mga tapayan.” At pinuno nga nila
hanggang labi ang mga iyon. 8 At sinabi niya: “Kumadlo kayo ngayon at
dalhin sa punong-abala.” At dinala nga nila.
9 Tinikman
ng punong-abala ang tubig na naging alak pero hindi niya alam kung saan ito
galing, pero alam ng mga katulong ng kumadlo ng tubig. Kaya tinawag ng
punong-abala ang nobyo 10 at sinabi sa kanya: “Ang mainam na alak muna ang
inihahain ng lahat at saka lamang ang mas mahinang uri kapag lasing na ang
mga tao. Pero itinabi mo pala ang mainam na alak hanggang ngayon.”
11 Ito
ang simula ng mga tanda ni Jesus. Ginawa niya ito sa Kana ng Galilea at
ibinunyag ang kanyang luwalhati, at nanalig sa kanya ang kanyang mga alagad.
No comments:
Post a Comment