Tuesday, January 4, 2022

Ang Mabuting Balita para sa Enero 7, Biyernes kasunod ng Pagpapakita ng Panginoon: Lucas 5:12-16


Mabuting Balita: Lucas 5:12-16
12 Nang nasa isang bayan si Jesus, may isang taong tadtad ng ketong doon. Nang makita niya si Jesus, nagpatirapa siya at nakiusap sa kanya: “Ginoo, kung gusto mo, mapalilinis mo ako.”   

13 Kaya iniunat ni Jesus ang kanyang kamay at hinipo siya at sinabi: “Gusto ko, luminis ka!” Nang oras ding iyo’y iniwan ng ketong ang lalaki. 14 Ini­utos sa kanya ni Jesus: “Huwag mo itong sabi­hin ka­nino man kundi pumunta ka sa pari para masuri ka niya at maialay alang-alang sa iyo ang handog na ini­utos ni Moises para mag­karoon sila ng patunay.”  

15 Ngunit lalo namang kumalat ang balita tungkol sa kanya at pumunta sa kanya ang mara­ming tao para ma­kinig at mapagaling sa kanilang mga karam­daman. 16Kaya madalas na mag-isang pumupunta si Jesus sa mga ilang na lugar para manalangin.

No comments: