Monday, January 3, 2022

Ang Mabuting Balita para sa Enero 5, Miyerkules kasunod ng Pagpapakita ng Panginoon: Marcos 6:45-52


Mabuting Balita: Marcos 6:45-52
45 Agad na pinilit ni Jesus na sumakay sa bang­ka ang mga alagad at pinauna sa Betsaida sa kabilang ibayo habang pinaaalis niya ang mga tao. 46 At pagka­paalis niya sa kanila, mag-isa siyang lumayo papunta sa kaburulan para ma­nalangin.  

47 Nasa laot na ang bangka nang gumabi at nag-iisa naman siyang nasa lupa. 48 Nakita niya silang nahihirapan sa pagsagwan sapagkat pasalungat ang hangin. Kaya nang madaling-araw na, pinuntahan sila ni Jesus na nagla­lakad sa dagat at waring lalampas sa kanila. 49 Nang makita nila siyang naglalakad sa dagat, akala nila’y multo siya. Kaya sumigaw sila. 50 Nakita nga siya nilang lahat at nasindak sila. Ngunit agad niya silang kinausap: “Lakasan ang loob! Ako ito, huwag kayong matakot.”  

51 Nang nakasakay na siya sa bang­ka ka­sama nila, tumigil ang hangin kaya lalo pa silang namangha. 52 Hindi nga nila naunawaan ang tungkol sa mga tinapay, kundi sarado ang kani­lang isip.

No comments: