Monday, January 24, 2022

Ang Mabuting Balita para sa Enero 27, Huwebes ng Ikatlong Linggo sa Karaniwang Panahon: Marcos 4:21-25


Mabuting Balita: Marcos 4: 4:21-25
21 Sinabi ni Jesus sa mga tao: “Dumarating ba ang ilaw para takpan ng salop o para ilagay sa ilalim ng higaan? Hindi! Inilalagay ito sa patungan! 22 Walang na­lilihim na di nabubunyag at walang tinatakpan na di malalantad. 23 Makinig ang may tainga!”  

24 At sinabi niya sa kanila: “Isip-isipin ninyo ang inyong naririnig. Sa sukatang ginamit ninyo, susukatin ang para sa inyo at higit pa ang ibibigay sa inyo. 25 Bibigyan pa nga ang meron na ­ngunit ang wala ay aagawain pa ng anumang nasa kanya.”

No comments: