Kaya lumayo
si Jesus na kasama ang kanyang mga alagad papunta sa dagat. Maraming
taga-Galilea ang sumunod sa kanya. Mayroon din namang mga taong galing sa
Judea 8 at Jerusalem, at sa Idumea at sa kabilang ibayo ng Jordan, at sa
Tiro at Sidon. Maraming-marami ang nagpunta sa kanya nang mabalitaan nila ang
lahat niyang ginagawa.
9 Kaya
tinagubilinan niya ang kanyang mga alagad na ihanda ang isang bangka para sa
kanya dahil maraming tao, at baka nila siya maipit. 10 Marami na siyang
pinagaling kaya pilit siyang inaabot ng lahat ng may karamdaman para mahipo
siya. 11 Sinusugod siya ng mga inaalihan ng maruruming espiritu pagkakita
sa kanya at pasigaw nilang sinasabi: “Ikaw ang Anak ng Diyos.”
12 Ngunit tinagubilinan niya silang huwag siyang ibunyag.
No comments:
Post a Comment