• 30 At sinabi niya: “Sa ano natin maikukumpara ang kaharian ng Diyos? Sa anong talinhaga natin ito maipakikilala? 31 Natutulad ito sa paghahasik ng buto ng mustasa na pinakamaliit sa mga binhing inihahasik sa lupa. 32 Ngunit pagkahasik nito, tumataas ito at lumalaki na higit pa sa lahat ng gulay at nagsasanga nang malaki hanggang sumilong sa kanyang lilim ang mga ibon ng langit.”
33 Itinuro
niya sa kanila ang lahat ng ito sa pamamagitan ng mga talinhagang gaya nito
ayon sa kakayahan ng kanilang isipan. 34 Hindi siya nagturo sa kanila
nang hindi gumagamit ng mga talinhaga. Ngunit nilinaw niya ang lahat sa
kanyang mga alagad nang sila-sila na lamang.
No comments:
Post a Comment