Tuesday, January 25, 2022

Ang Mabuting Balita para sa Biyernes Enero 28, Santo Tomas de Aquino, pari at pantas ng simbahan : Marcos 4:26-34


Mabuting Balita: Marcos 4:26-34
26 Sinabi ni Jesus sa mga tao: “Maihahambing ang kaharian ng Diyos sa paghahasik ng isang tao ng buto sa lupa. 27 Tulog man siya o gising, sa gabi o araw, sumisibol ang binhi at lumalago nang hindi niya namama­layan. 28 Nagbu­bu­nga ang lupa sa ganang sarili nito: una’y ang usbong, saka ang uhay at ang butil na humihitik sa uhay. 29 At kapag nagbunga na ito, agad siyang mag­papadala ng karit sapagkat suma­pit na ang anihan.”  

• 30 At sinabi niya: “Sa ano natin ma­iku­kumpara ang kaharian ng Diyos? Sa anong talinhaga natin ito mai­pakikilala? 31 Natutulad ito sa paghahasik ng buto ng mustasa na pinakamaliit sa mga binhing inihahasik sa lupa. 32 Ngunit pag­­ka­hasik nito, tumataas ito at lumalaki na higit pa sa lahat ng gulay at nag­sa­sanga nang malaki hanggang sumilong sa kanyang lilim ang mga ibon ng langit.”  

33 Itinuro niya sa kanila ang lahat ng ito sa pamamagitan ng mga talinhagang gaya nito ayon sa kakayahan ng kani­lang isipan. 34 Hindi siya nag­turo sa ka­nila nang hindi guma­gamit ng mga ta­linhaga. Ngunit nilinaw niya ang lahat sa kanyang mga alagad nang sila-sila na lamang. 

No comments: