16 Nag
mamadaling pumunta ang mga pastol sa betlehem at natagpuan nila si Maria at si
Jose at ang sanggol na nakahiga sa sabsaban. 17 Pagkakita rito, pinatotohanan
nila ang pahayag na binigkas sa kanila tungkol sa batang ito. 18 Namangha rin
ang mga nakarinig sa mga sinasabi ng pastol sa kanila.
19 Iningatan
naman ni Maria ang mga ito at pinagnilay-nilay sa kanyang puso. 20 Umuwi ang
mga pastol na niluluwalhati at pinupuri ang Diyos dahil nakita nila ang lahat
ng kanilang narinig ayon sa ipinasabi sa kanila. 21 Pagsapit ng ikawalong
araw, kailangan nang tuliin ang bata; noon siya pinangalanang Jesus, ang
itinawag sa kanya ng anghel bago pa siya ipinaglihi.
No comments:
Post a Comment