12 Pinuntahan siya pati ng mga maniningil ng buwis para magpabinyag at sinabi sa kanya: “Guro, ano ang aming gagawin?” 13 At sinabi ni Juan: “Huwag kayong maningil ng higit sa ipinag-uutos sa inyo.” 14 Nagtanong din sa kanya ang mga sundalo: “Ano naman ang gagawin namin?” At sinabi niya sa kanila: “Huwag kayong mangikil o magparatang nang di totoo kanino man; masiyahan na kayo sa inyong suweldo.”
• 15 Nananabik noon ang mga tao
at nag-isip-isip ang lahat kung hindi nga kaya si Juan ang Mesiyas. 16 At
sumagot si Juan sa pagsasabi sa kanilang lahat: “Nagbibinyag ako sa inyo sa
tubig pero dumarating na ang isang mas makapangyarihan sa akin. Ni hindi ako
karapat-dapat magkalag ng tali ng kanyang mga panyapak. Sa Espiritu Santo at
apoy niya kayo bibinyagan. 17 Siya ang nakahandang magtahip sa lahat ng
butil ng trigo. Iipunin niya ang lahat ng butil sa kanyang kamalig pero susunugin
ang mga ipa sa apoy na walang hanggan.”
18 Sa
pamamagitan nito at sa iba pang pangangaral nagturo si Juan sa bayan.
No comments:
Post a Comment