Thursday, December 09, 2021

Ang Mabuting Balita para sa Linggo Disyembre 12 Ikatlong Linggo ng Adbiyento: Lucas 3:10-18


Mabuting Balita: Lucas 3:10-18
10 Tinatanong si Juan Bautista ng maraming tao: “Ano ngayon ang aming gagawin?” 11 Su­magot si Juan sa kanila: “Ang may dalawang balabal ay magbigay sa taong wala, at gayon din ang gawin ng may pagkain.”

12 Pinuntahan siya pati ng mga mani­ningil ng buwis para magpa­binyag at si­nabi sa kanya: “Guro, ano ang aming gagawin?” 13 At sinabi ni Juan: “Huwag kayong maningil ng higit sa ipinag-uutos sa inyo.” 14 Nagta­nong din sa kan­ya ang mga sundalo: “Ano naman ang gagawin namin?” At sinabi niya sa kanila: “Huwag kayong mangikil o magparatang nang di totoo kanino man; masiyahan na kayo sa inyong suweldo.”  

• 15 Nananabik noon ang mga tao at nag-isip-isip ang lahat kung hindi nga kaya si Juan ang Mesiyas. 16 At suma­got si Juan sa pagsasabi sa ka­nilang lahat: “Nagbibinyag ako sa inyo sa tu­big pero dumarating na ang isang mas makapang­yarihan sa akin. Ni hindi ako karapat-dapat magkalag ng tali ng kanyang mga panyapak. Sa Espiritu Santo at apoy niya kayo bi­binyagan. 17 Siya ang nakahandang mag­tahip sa lahat ng butil ng trigo. Iipunin niya ang lahat ng butil sa kanyang kamalig pero susu­nugin ang mga ipa sa apoy na walang hanggan.”

18 Sa pamamagitan nito at sa iba pang pangangaral nagturo si Juan sa bayan.

No comments: